Oo, nagtatapos pa rin ito sa....


Gusto kong magbasa habang nagsusulat, 
mabasa yung mga tunay na nararamdaman, 
yun bang makakapagpatunay 
na may kalayaan ako bilang manunulat, 
yung magpapasinungaling sa mga teorya
na pinilit isiksik sa utak –
na ang tao ay nakakulong sa lipunan at wala daw kalayaan. 
Oo, wala akong kalayaan bilang manunulat, 
hindi sa purong kadahilanan na nakakulong ako sa lipunan, 
pero dahil sa isang banda na ako ay mambabasa din. 
At dahil mambabasa ako ng sarili kong kalokohan, 
ayokong mabasa ang mga mapapait na kasentihan; 
ang hindi paghingi ng paumanhin 
sa hindi pagtupad sa pinag-usapan;
ang pagsumpa daw ng purong pagkakaibigan, 
O patawad, patawad talaga.
OO seryoso ako, 
kahit iba ang nakikita ng iyong mata,
Tulang pakwento, hindi kwentong patula
At humihingi ako ng tawad,
Sa mga pangakong hindi napanindigan.
Hindi ko kayang magkwento,ng mga kwentong 
walang kurot ng kalutangan,
walang kurot ng kabaliwan
Oo hindi ko pa kayang magkwento,
ng mga kwentong hindi hinugot at tatapusin sa 
PAG-IBIG.

Comments

alyssainah said…
there's no starting over,
Without finding closure,

Popular Posts