Real Talk

May kaibigan akong walang problema. Kapag kinakausap ko siya, madalas ako lang ang may nasasabi. Okay siya kapag lumalabas kami. Handang makinig lagi. Laging may magandang payo.

Fresh grad at UP instructor. Walang problema sa pera. Walang problema sa pamilya.

Pero alam nating may mali sa linyang yun. Ang totoo kasi, na nanggaling din sa bibig nya, hindi lang nya pinoproblema ang mga bagay-bagay. Kasi, lahat ay may kanya-kanyang pasanin, sa kanya-kanyang pagpapanggap o paglalahad.

Kailan mareresolba ang problema niya? Malamang hindi na kung hindi sya maglalakas-loob na harapin ito.

Moral Lesson: Klaruhin ang lahat ng bagay. Kung may kailangang pag-usapan kahit awkward, gawin na. Gawin ang mga bagay para sa ibang tao. Dahil kung ikaw masaya ka na sa sarili mo, siguro hindi ka naman lulungkot kung magiging magaan din ang loob ng iba. Real talk, lang.

Comments

Popular Posts