Hindi diksyunaryo ang mundo

Hindi lahat ng hinahanap mo ay nasa pagitan ng pabalat nito. 
Kakaiba, dahil may mga salitang nasa dulo na nang dila mo pero hindi mo pa rin masabi. O may mga salitang iba naman pala ang ibig-sabihin. Kagaya ng kapag sinabi niya sayong isangdaan at apatnapu’t tatlo. Hihinga ka ng malalim para isipin kung ano ba ang gusto niya matapos ang lahat. Pero tatapatin mo siya “Hindi, Isangdaan at limampu’t tatlo na.”

Dahil sasabihin mong nakalimutan ata niyang idagdag ang mga araw na bigla na lang siyang nawala at hindi nagparamdam, at ang mga araw na nagawa mong maging masaya kahit wala siya.
At doon mo malalamang hindi din pala umiikot sa numero ang mundo, dahil hindi lang sampung araw ang sakit na naidulot sa iyong paghihintay. Ngayon, hindi din sampung araw lang ang kailangan niya para tanggapin ang katotohanan.

Comments

Popular Posts