Minsan Di Mo Kayang Malungkot

Minsan di mo kayang malungkot dahil sa mga kaibigan. Magpumilit mang pumasok ang mga pangit na ala-ala, di mo siya marinig dahil sa lakas ng tawa mo.

Minsan di mo kayang magalit. Kahit sumisikip ang dibdib kapag biglang nadagil ang yamot, di pa rin kayang sumama' ang loob. Di pa rin kayang bumigat ang salitang binabanggit. 

Minsan, di mo makayanang mag-isip. Kung tama ba ang desisyon kong hindi muna ipadama sayo. Dahil sa tuwing dumarating ako ikaw ang naalala ko. At sa mga mensaheng hindi ko kayang sagutin, iniisip ko kung ginusto mo bang iniiwan na lang kita nang hindi nagtatanong.

Minsan, iniisip ko kung natandaan mo pa ba ang sinabi mong susundan mo ako, at ako naman ay ang walang isip na maghihintay. Kahit alam kong biro lang naman ang lahat ng iyon.

Hindi kita nagawang hintayin.

 Kaya sinundan kita

Nandito na ako.

Nandito na ako, pero parang lumalayo ka sa akin. O ako sayo.

At kagaya ng dating minsan, hindi ko pa rin kayang malungkot.


Comments

Popular Posts