User-friendly

Tuwing kinakausap mo ako, nawawala ang pagiging makata ko.

Tumitiklop ang diwa, at umuurong ang kaisipan.

Ah mali, baka hindi tamang sabihing tumitiklop

Kasi hindi naman ako bakal na parang natitinag ng mainit mong presensya

O hindi naman ako parang makahiya na kapag

Nandiyan ka na, dahan-dahan kong isasara ang aking mga dahon

Sa takot kong saktan mo ako

Maling sabihing tumutupi dahil tuluyan pala itong nawawala, naglalaho

hindi parang bula kundi parang pera sa wallet

kanina nandyan pa hindi namalayan wala na pala

Patawad, eto na naman akong nagbibiro

dahil siguro kapag kinakausap mo ako 

hinihigop mo ang aking pandama

nagiging manhid sa pahamak

at nagiging balat sibuyas 

Tuwing lumalapit ka, naiiyak ako ng walang dahilan

Siguro alam kong andiyan ka lang tuwing meron kang kailangan

Comments

Popular Posts