Blitz


Medyo patapos na ang taon at di ko pa din alam kung anong gagawin ko. Sa ngayon, kelangan lang maging patient. Hindi madali ang idinudulot ng sitwasyon. Nasa pandemya pa rin tayo (sinong magaakala), at ang masaklap nun, parang hindi pa din maramdaman ang mga pag-usad. Syempre nag-uusap pa din naman tayo tungkol saken. Bakit ba naman ako magsasalita tungkol sa ibang bagay dito, hindi ba?

Pare. May 2021 na. Wala nang nagba-blog ng ganito ngayon. Wala na din sigurong magbabasa. Bakit ba naman tayo magsusulat dito kung ang intensyon ay hindi mabasa, hindi ba? Pero siguro dahil dun na din kaya ako bumabalik dito. At ang nakakatawa dun, ung huling post ko pa ata binanggit ko din iyon. Basta, paulit-ulit talaga ako, erp. Parang iba naman to o'.

Nagsusulat ako ngayon kasi gusto kong balikan ang ala-ala na ito. Kung meron mang edge ang blog sa video blog e un siguro yung pagiging raw ng mga thoughts. At least saken ganun. Alam ko namang dahil sa pagkakakitaan, marami talaga ang sumusubok mag-vlog. Sapul kasi pareho dun, gumagawa ka ng memories habang may potential kang kumita. At kung pagtulay sa  memory lane lang naman din ang dahilan kung bakit tayo paulit-ulit na kumakatha ng ganitong klaseng journal, hindi naman din masama na kumita doon.

Malungkot ang mga gabi ko nitong nakaraang buwan. Isang linggo ding hindi ako masyadong nagsalita sa bahay. Mahirap hindi pansinin ang nanay ko, pero di ko alam kung bakit may yamot akong di maalis-alis. At dahil ayoko na lang din magsalita ng masama, mas pinili ko na lang magkulong sa kwarto. Di ko din talaga alam. Nasa edad nako na masama sa loob kung may nakaalitan akong tao. At naaapektuhan ang pagtulog ko kapag ganun. Pero noong linggong iyon, mas mainam siguro na mag-isa. Magreflect sa kung anong ginagawa ko sa buhay, at bakit mistulang bata ang mga damdamin ko na di ko maisplika.

Pero dahil nag Mother's Day,  naging okay naman ang lahat. Binilhan ko ng simpleng treat si Mama, at dun na nagsimulang maging maayos ulet ang lahat. Di ko alam, pare. Mabigat lang siguro ang mga bagay, at gustuhin ko man di ko din pwedeng isulat dito kung bakit. Di ko alam kung anong tono ng pagkekwento ko senyo, pero sa totoong buhay, di naman siya ganun kalungkot. Normal lang. Mas nabawasan lang pagkekwentuhan namin ng ilang araw, pero matapos yun, okay naman na.

Parang lumilipas lang ang mga araw nang di ko namamalayan e. Nagtse-chess lang ako at nag momobile legends kung wala akong trabaho. Chess, dahil naga-aral ako lately maglaro nun, at ML dahil yun lang din kasi ang paraan para matawagan ko ang ilan sa mga friends ko. Pero kung iniiisip niyong di ako addicted sa laro e nagkakamali kayo. (Napapangiti ako ngayon*) 

Di ko alam kung anong matatandaan ko sa season na ito (season ng life, hindi season ng ML, sabay awkward na ngiti*) 

Kung may natutunan ako sa sarili ko, yun ay ang di pala ako ganun kapasensyoso kagaya ng inaakala ko.

Nakakapagod maghintay kung anong mangyayari. Baka yun nga siguro ang isang kelangan kong matutunan ngayon, at napakaimposible nun kung di ako mananalig sa Kanya. 



Comments

Popular Posts