Bukod-tangi




May 2020. Ganitong buwan nung nakaraang taon ay ang pinakamalungkot na buwan ko sa quarantine. Di ko na babalikan kung bakit, pero patungkol iyon sa bagay na nahihirapan akong unawain. At alam natin kung gaano tayo katibay bilang tao, ngunit kapag dumating ang puntong di mo maintindihan ang mga bagay e tiyak namang mapapatupi ka kahit gaano ka katibay.

Isa sa mga bagay na nakatulong saken ay ang pagbabasa ng Ecclesiastes. Nung araw na pinakamatindi ang lungkot, tumungo ako sa libro. At ano pa bang libro ang may sagot sa lahat ng krisis kundi ang bibliya. At sa bibliya, ang Ecclesiaastes sa tingin ko, ang nagtuturo na ang mga pighati ay magdadala sa karunungan. Halos dalawang beses kong nabasa yung libro. Audiobook kasi yung una. At nung pangalawa e nag skim lang ako sa mga mahahalagang aral.

Isang taon na nung huli akong nakinig sa  Qoheleth (aka teacher). Wala na din namang bakas ng kalungkutan ng nakaraang taon. Di na din ako nakakapagbasa lately at chess lang ang inaatupag ko. 

Sinusulat ko ito habang pinapalambot ko ang manok na pang adobo. 

Sinusulat ko ito ngayon para paalalahanan ang sarili ko na kahit anong lungkot man ang dumaan, darating ang araw na ganito na di mo na masasabi mong salamat sa mga pasakit na nagpatibay sayo. Salamat, Lord.



Comments

Popular Posts