Breakout Room


Sa breakout room ng isang training namin, nakasama ko ang mga bigating professors sa university, mga pangalan na laging pinaparangalan sa kolehiyo. May ilan naman na namumuno na sa iba't-ibang departamento.  Binigyan ng 18 minutes para idiscuss ung mga insights namin tungkol sa napag-usapan. Pero siguro nga may dumaan na anghel dahil 3 minuto na ngayon ang nakalilipas ay di pa rin sila nagsasalita. 

Bilang nakababata, wala akong intensyon na manguna. Bakit ba ako magpapabibo pa sa ganitong klaseng okasyon. Ngunit dahil ganoon na nga ang nangyari, pagkadaan ng ilang anghel at limang minuto na ang nakalipas ay napilitan na akong magsalita. 

"Magandang hapon po sa ating lahat. Dahil tumatakbo din po ang oras (kinakabahan ang tono*), sisimulan ko na po ang pagbabahagi ng..."

Simpleng bagay lang naman iyon. Pero kailan ba ang huling pagkakataon na isinantabi ko ang sarili ko para sa lahat?  (nagpapaka 2012 self na naman ako mga lods)

Pagkatapos kong magsalita, lakas-loob din akong pumili ng kasunod na magsasalita. Kabado, dahil sino ba naman ako, hindi ba? Pero ano ka't pakiramdam ko'y isa akong makapili  na nagtuturo sa napaka awkward na espasyo ng Zoom.

Nang marinig ko na ang pasalamat ng sumunod na nagsalita, natanggal ang kaba sa dibdib ko, at nagpatuloy lang sa ginagawa ko habang nagte-training.

Ganun pa din ang buhay. Walang mangyayari.

At ang isang insignificant na pangyayari ay maalala ko. 

Dahil ganun naman ang utak natin, hindi ba?


**

Photo source: https://www.bulatlat.com/2021/04/09/makapili/


Comments

Popular Posts