Filler



Patapos na naman ang Linggo. Bukas, trabaho. Nag socmed fast ako nitong weekend at kakabukas ko lang ulet ng account ko kani-kanina. Hindi naman sobrang iba ng nararamdaman ko ngayon pero pansin-na-pansin ko ang pagiging klaro ng thoughts ko. 

Kahit medyo nawala ang pagiging clouded ng thoughts ko, hindi naman ibig-sabihin nun ay gumaling na ako sa chess. Dalawang buwan buhat nung magsimula e di ko pa rin magawang manalo kay Archem. Nabanggit ko na si Archem sa blog na ito makailang-ulit na.  Di ko nga lang alam kung napangalanan ko siya. Pero yun nga, dalawang dekada naman na siyang naglalaro kumpara sa 2months experience ko, so wala pa ding pressure. Sabi ko nga kahit mag 99-1 ang tally namin, e ayos lang. At least manalo  at least manalo man lang ako, diba? 

Bukod sa socmed fast e nag fa-fasting na ako ulet. Isa din yan sa mga spiritual disciplines na gusto kong maging parte na ng lifestyle ko.

Gusto kong idetalye kung pano nakatulong ang pagiging bored ko nitong mga nakaraang araw. 

Gusto kong idetalye kung pano ako sumusubok magsulat. Hindi sa ganitong format, syempre. Gusto kong idetalye kung paano bumabalik kahit papano ang passion ko hindi lang sa mga hobbies ko kundi pati na rin sa buhay.





Ang bait ng mundo sa akin (ibig kong sabihin ay napakabuti ng Diyos). Unti-unti akong nakakabangon mula sa mga pinagdaraanan at nabibitawan ang mga kinikimkim nitong nagdaang apat na taon. Simple na lang din ang gusto kong mangyari, at hindi ko na kailangang tabuyin ang kasiyahan kung di ko man makuha ang mga ginugusto ko.

Gusto kong idetalye kung paano ako matiyagang naghihintay ngayon. Nananalangin sa mga minimithi. Yun naman din ang gusto Niya, ang pagdarasal sa mga bagay na nakalagay na sa puso natin.
 
Oo. Sigurado yun. Isusulat ko na lang iyang mga yan sa susunod.

Filler lang ito, apo. Konting parte ng buhay (slice of life). 

Pahinga na. Maghanda na para bukas. 



Photo source: https://images.wallpapersden.com/image/download/anime-girl-looking-at-sky_bGdlbG6UmZqaraWkpJRnamtlrWZlbWU.jpg

Comments

Popular Posts