Athazagoraphobia (Draft)








Takot akong lumimot, makalimot

Takot akong lumubog at di na lumutang

Takot ako sa pag-idlip

tapos walang hanggang 

Pagpikit na higit na luha ang hatid

Takot akong di ka mahanap

O baka takot akong matagpuan 

At saka naman bitawan

Siguro natanong mo na ito

Pero sa tuktok ng lahat ng ito

ay ang  takot akong makalimutan.




Photo source: http://daisypatton.com/galleries/forgetting-is-so-long/

Comments

Popular Posts