Taking Ownership and Responsibility, and Why Sisyphus Must Be Happy

So, gusto mong mabago ang buhay mo ngayon?

Gusto kong pasimplehin ang mga bagay para maintindihan natin ito. Kung gusto mong baguhin ang buhay mo, walang hack, o libro ang makakapgturo sayo kung paano. Hindi din itong blog na ito.

Pero simplehan natin, boys, and girls listen.

Ang first step para masolve ang problems mo ay maging responsible ka rito. Take ownership and be responsible.


Responsable ka sa mga desisyon mo. 

Wala nang ligoy na kailangan dito. Maging handa ka  sa kalalabasan ng desisyon mo sa buhay. Favorable man sayo o hindi. Maaaring hindi mo alam na ganyan ang kahihinatnan ng mga desisyon mo. Harapin mo lang. Bear with it. Sino ba ang nakakaalam lagi?


May mga responsibilidad ka na bunga ng mga bagay na hindi ikaw ang may gawa


Teacher ako, class adviser. Di naman ako ang may kasalanan kung bakit may mga bata na sadyang delinquent. Bakit ako ang kukulitin ng ibang teachers kung may problema ang mga chikiting? Bakit kelangan akong isama? Kasi, responsable ako sa kanila. Parte yun ng trabaho ko.

May ibang halimbawa na tricky kung iisipin. Paano kung accidentally e nakakita tayo ng isang milyon sa loob ng bakuran natin. Hindi natin kasalanan syempre na nandun yun, pero dahil nasa loob ng property natin e, responsable na tayo dito. Sanggol, droga, at kung anuman iyang mapalagay diyan, responsibilidad natin iyon.

Dahil din dyan, may mga actions ang ibang tao, na kahit ayaw natin at wala tayong kinalaman ay nagiging responsable tayo. Case-to-case syempre ito kaya hindi ko na kailangang ielaborate kung kailan tayo responsable, at kailan tumitigil ang responsibilidad natin.


Pwede mong i-blame ang iba, pero sa huli ikaw pa rin ang responsible.

Iniwan ka ng mahal mo sa buhay kaya ka miserable? Pwede mo naman silang i-blame kung bakit ka ganyan pero sa huli ikaw pa rin ang responsable sa nararamdaman mo.

Applicable din ito sa mga sensitve na issue. Pabaya ang magulang mo, kapamilya mo, kaya ka napariwara. Pwede mo naman silang sisihin, wala namang pumipigil sayo. Ngunit sa bandang huli, ikaw pa rin ang responsable sa buhay mo ngayon. Hindi na natin pwedeng ibalik ang kabataan mo para majustify lahat ng nangyayari sayo ngayon.

At kung ibeblame din natin ang iba sa mga mapapait na parte ng buhay natin, hanggang saan ang kaya nilang gawin para mabago ang lahat?

Sapat na ba ang sorry?

Pagkatapos ng patawaran, ano ang mangyayari? Magandang mapatawad ang isa't-isa pero sa bandang huli, limitado lang ang kayang gawin nito para mabago ang sitwasyon mo ngayon.

Di ko sinasabi na hindi sila maging accountable sa mga ginawa nila. May lugar para dun. Hindi ko sinasuggest na kailangang maging bulag na lang tayo sa mga faults na ginagawa ng iba.

Pero, masakit man, kelangan mong maunawaan na responsable ka sa emosyon mo, sa reaksyon mo, sa mga bagay na nangyayari sa buhay mo kahit hindi ikaw ang puno't-dulo ng gulo nito.


Hindi mo kailangang magkaroon ng authortity para maging responsable.

Hindi mo kailangang maging nanay o tatay para maging breadwinner. Totoo lang, di dapat ikaw ang gumagawa niyan. Pero kung breadwinner ka ng pamilya, naintindihan mong hindi iyon tungkol sa kung sino dapat, kundi sa ano ang kaya mong gawin. Dahil sa nakita mong need, at bilang nandyan ka itinakda, ginawa mo ang nararapat.

May mga individual na walang authority ngunit naging responsible sa mga bagay. Di nako magpapangalan. Mga dating ordinaryong employee na nagtake ng responsibility. Mga ordinaryong mamamayang nag-volunteer para gumawa ng kabutihan. Marami sa kanila ang nagkaroon ng authority after. Naging CEO, naging public servant, nagkaroon ng mas malalaking responsibildad. Hindi ako nagpeprescribe dito na dapat ganun tayo. Ipinupunto ko lang na possible ang responsibility without authority.

Mahaba-haba pa itong discussion na ito, kung tutuusin. Gusto kong idagdag itong  realization ni Mark Manson tungkol sa sinabi ni Uncle Ben kay Spiderman. Narealize niya na better palang baligtarin ang idea ng famous quote:"With great responsibility, comes great power," sabi ni Mark Manson.

At totoo naman nga. Na kung tatanggalin natin ang paniniwala na wala tayong control sa buhay natin, tiyak mas makikita nating hindi naman pala imposible ang masolusyonan ang mga bagay-bagay.





Responsibility at ang Myth ni Sisyphus

Gusto kong tapusin ito sa kwento ni Sisyphus. Siguro alam niyo na ang nangyari sa kanya. at ang perpetwal na paghihirap niya dahil sa sumpa ni Zeus. Isinumpa siya dahil tinali niya si Death para walang mamatay na tao. Nang makawala si Death, at panahon na niyang mamatay, tumakas naman siya sa Underworld. Dahil dun, pinarushan siyang magtulak ng mabigat na bato (literal to pre) paakyat nang bundok. At kada makakarating sa tuktok ang bato ay saka naman ito gugulong pabalik.

Ano ang punto ng struggle? 

Sa libro ni Albert Camus, in-argue niya na ganto din ang buhay natin. Para tayong si Sisyphus na nasasadlak sa perpetwal na paghihirap. Magtatrabaho, kakain, magpapahinga nang kaunti, at kinabukasan ay magtatrabaho ulit. Mechanical, diba?

Well assuming na may kakayahan si Sisyphus na tapusin ang buhay niya, bakit hindi niya ito ginawa. Sabi ni Camus "one must imagine that Sisyphus is happy"

Ang labo. Paanong magiging masaya si Sisiyphus? 

Pero ikaw, paano ka ba nagiging masaya? Simple lang, sabi ni Camus, hangga't tinatanggap mo at nauunawaan mong absurd ang situation mo, wala kang magagawa kundi mag-struggle, kaya mong maging masaya.

Hindi ako naniniwala sa buong argument na ito. Una, may bias ako sa existentialism at di ako nihilist. Hindi ako naga-agree na walang punto ang struggle natin. Hindi ako naniniwalang walang-hanggan ang struggle bilang isang Kristiyano.

Pero hindi nga ba't ang core nito ay responsibility?

Na kahit perpetual suffering pa iyan, kung mauunawaan natin ang sitwasyon  at magiging responsable tayo rito, kesyo magulo at hindi natin ito kagagawan; dahil sino nga ba ang may kakayahang pumili ng gusto nating buhay?

Kung kaya nating tanggapin ito, kaya nating mahanap ang kasiyahan doon.

At lalo nang naging may kabuluhan kung nauunawaan mong higit mong kailangan ng  biyaya ng Diyos araw-araw, maging responsable ka o pumalya ka man.




Comments

Popular Posts