Monday Musings

    Photo By: ZeroOne


Naalala ko lang ang ideya Derek Sivers ngayong mahangin ang panahon at nakapagtimpla ako ng kape. 

Ginamit din niya ang parehong larawan. At gusto kong ulitin ang mga nasabi na niya ngayong nakadungaw ako sa bintana at nag-iisip na ang sarap nga namang humilata matapos ng mahabang meeting. 

Alam mo yung pakiramdam ng mabusog nang sobra na parang kahit isang subo pa ay mahihimatay ka na.

Naisip mo na ba kung anong magiging hitsura nun sa ibang bahagi ng buhay mo?

Kadalasa'y ginagawa natin ang mga bagay para sa atensyon, pera para mapuri tayo ng mga tao,  mapalakpakan at yumaman. Pero paano kung makuha mo na ang atensyon at papuri, at pera na gusto mo sa puntong sawa ka na? 

Ano na ang gagawin mo? 

Ano na ang ititigil mong gawin?

Paano kung tinigil mo na lahat ng bagay na ginagawa mo para sa atensyon at pera; dahil nga hindi  mo na kailangan ng mga ito, naisip mo kung ano ang matitira?

Anong magiging ikaw kung hindi mo ginawa ang mga bagay dahil lang sa atensyon at pera? Ano na ang gusto mong gawin ngayong nakuha mo na ang lahat ng atensyon at pera na pinangarap mo?

Huwag mong sabihing magpapahinga o tutulala na lang.

Matapos kang magpahinga, magbakasyon hanggang sa mainip ka at gusto mong magkaroon ng halaga ulit sa iba?

Ano na ang gagawin mo?


Comments

Popular Posts