The Art of Letting Go: Paano Magpaubaya in Six Minutes

 

"Now here it comes, the hardest part of all, unchain my heart that's holding on. How do I start to live my life alone. "

                                                                                                                                                Mikaila, 2009


Para magmukha lang legit na essay kaya nilagay ko yung lyrics na iyan. Kanta yan ni Mikaila, kanina ko lang nakita yung kanta, syempre kanina ko lang din nakilala yung artist. Kung gusto mo mainstream, ilagay mo na lang lyrics ni Moira dyan.

Pero diretsahan na lang, di na natin pag-uusapan kung bakit ba mahalaga ang mag let go.Andyan na yan e. Sa proseso ng pagiging  tao, pagpapakatao, namumulat tayo sa katotohanan na ang daloy ng buhay ay sadyang ganun lang. May dumarating at may umaalis. Kasama iyon sa sirkulasyon ng buhay, at kung hindi dadaloy ng ganun ang life e magiging stagnant tayo (at pamamahayan ng lamok). Biro lang. 

(Napakahaba ko pa ding mag-intro. ilang taon na akong nagsusulat di pa din ako marunong)

Hindi ko na din idedetalye kung bakit ako nagri-research lately tungkol sa art of letting go. Masyadong marami ka nang nachichismis para makidagadag pa naman ako, pero alam ko na sa isang banda e darating tayo dito. Magtatry din tayong magmove on. 

Una, art ito. At kagaya ng lahat ng sining, ito ay naaaral din. Sa umpisa, sa unang subok mong makawala sa pait ng kahapon, mararamdaman mo ang kapit ng tanikala sa puso mo. Alam na natin yan, nabasa mo na yan kay Mikaila sa unang sentence nitong post. At kung naranasan mo nang mangarap at magplano, alam mong yung hirap at saya na ibinigay nito ay masakit talagang i-let go. Pero habang sumasakit ang proseso, mas lalo kang lumalapit sa pangarap mo. Ang paglet-go ay art. At some point, art requires a lot of devotion from the artist. Put in the effort. Day in, day out. 

Stuck ka sa past, dahil wala kang nilu-look forward sa future. Simple logic. Sa sobrang simple e magmumukha kang tanga ka (naman talaga) kaya di mo makita na walang mangyayari kung mananatili ka sa nakaraan mo. Sa puntong ito, dapat nagets mo din na nagsusulat ako para sa sarili ko kaya medyo harsh ako. Pero yun nga, nasa ilusyon ka lang na hindi mo na makukuha ang same 'happiness' na iyon in the future. Dahil mas malungkot ka ngayon, at nasa baba ka, patuloy kang nakatingala sa past. Ang solusyon? Isulat mo ang ideal future mo. Sa pagsulat ng ideal future na iyon, please lang, wag mo nang isama yung comeback ng past na di mo na maibabalik. Di ko na isasama sa ideal future na makasama ulit si Miles Ocampo sa isang event, at maconfess ko kung gano ko siya ka-crush. Ekis na yun

                             

Wag mong i-try na kalimutan, appreciate mo lang at tanggalin ang attachment. Sabi ni Dalai, Lama, na nabasa ko kay Razzetti "Attachment is the origin, the root of suffering; hence it is the cause of suffering." Kung naging masaya ka sa nakaraan, di mo kailangng ikaila iyon. Bigyan kita ng magandang example. What if ang past na tinutukoy mo ay ng parteuko sa  namayapa mong mahal sa buhay. Sa parte ko, yung tatay ko. Kailangan ko bang limutin iyon, ang experiences ko kasama ang tatay ko? Kailangan bang matanggal ang memories para makamove on? Hindi, diba? Ang kailangan kong gawin ay i-appreciate iyon at magmove-on. Di ko pweedeng kalimutan ang tatay ko at yung memories namin para lang magmove on. Nonsense na sabihing just forget about it, diba? 

Eto, pa. Mahirap magsimulang umalis sa nakaraan kung may mga pinanghahawakan tayong pait. At kagaya ng pag-appreciate mo sa moments na iyon, i-appreciate mo din kung ano ang meron ka ngayon. Pinakamaganda kung isusulat mo ang mga bagay na naappreciate mo ngayon para mas maging malinaw na marami pa ring magagandang nangyayari sa mundo.





Practical Tips.

Medyo mahaba talaga itong post na ito dahil, ang hindi natin nauunawaan ay komplikado naman talaga ang usapin ng pagpapaubaya. Sa pagi-isip ko sa issue, di nababanggit ng mga nagbibigay ng advice na icategorize ang payo nila. Yung mga naunang binanggit ko ay mga psychological/philosophical na aspeto ng pag-let go. 

Sa praktikal na aspect ng pagletgo, mahalagang alam natin ang aksyon na gagawin natin, aside sa pagsasaayos ng pag-iisip natin. 

 1. Journaling. Ito yung sinasabi ko nung una pa lang. Namatay si Papa nung 2012, at dahil hindi ko mamake sense ang pagkawala niya, marami akong sinubukang gawin na constructive. Isa sa nakatulong sa akin ay ang journaling. Itong blog na nababasa mo ngayon ay bunga ng pag-cope ko sa pagkawala niya, halimbawa. Di mo naman kailangang gumawa ng ganitong journal. Meron akong private journal na inilalagay ko dun kung ano ang nangyayari. Isinusulat ko kung ano ang nararmdaman ko, kung anong plano kong gawin, kung anong mga bagay na ikinakasiya ko. In short, sa journal, kailangnan mo lang mag-describe truthfully. Pwede akong magsulat pa tungkol dito.

2. Create empowering rituals. Advice ni Tony Robbins (2020). Magkaroon daw ng ritwal. Bagay na araw-araw mong ginagawa. At kailangan empowering, nakakabuti sa iyo. Mag-exercise. Magjournal. Eat healthy. Make time to connect with your loved ones. Kahit ilang minuto lang ng usap/chat. Kailangang mong may gawin para hindi ka mastuck sa perpetual loop ng kalungkutan.

3. Work on personal growth. Pokus sa sarili, par. Umeedad ka na rin. Why not try na unahin muna ang sarili mo? Ibigay mo sa sarili mo yung oras at energy, at devotion na ibinibigay mo sa pag-iisip sa past. Syempre, kung may pamilya ka, wag mo namang iiwan sila. Isama mo sila sa growth mo. Pag-isipan  mo kung paano ka magiging mabuting asawa, ama, ina, ate, kuya, anak at bago ka pa matapos sa pagiiisip dun marerealize mong wala ka nang time para sa past mo. 


Panghuli, ipagpaubaya mo sa Diyos ang buhay mo. May dahilan kung bakit inaalis niya ang mga bagay sa buhay mo. Hindi mo man maintindihan kung bakit, tandaang alam Niya kung ano ang nakabubuti para sa'yo. May dahilan kung bakit hindi basta-basta makuhang maging marunong. Sabi nga ni John Piper, may mga kahangalan (follishness) ka ding dapat paniwalaan. kung gusto mong maging marunong. 


"If you want to be really wise, he says you’re going to have to think and believe some foolish things. That is, foolish as the world judges. And you’re going to have to do something foolish as the world judges. You’re going to have to think and believe that a bloody crucified Jewish teacher is the Lord of the universe and its maker. Absurd, ridiculous as the world would judge."


Ang karanungan ng mundo ay kamangmangan lamang sa paningin ng Dios (1 Cor 3:19). Nagiging hangal tayo sa mga oras na iniisip nating hawak natin talaga ang buhay natin. Mahirap mag let-go kung meron talaga tayong entitlement sa mga bagay-bagay.Mas madaling magpaubaya kung alam mong pahiram lang ang lahat ng ito. Alam niyo na din siguro, pero hindi ko sinasabi ito dahil na-master ko na iyan, at perpekto na akong tao. Sinusulat ko lahat para mas matutunan ko din ang mga ito. Bigyan nawa tayo ng karunungan. Papuri sa Kanyang Kadakilaan!




Reference List

Piper, J. (1988). How much do you own? Retrieved https://www.desiringgod.org/messages/how-much-do-you-own

Robbins, T. (2020). Letting go of the past: how to change your focus and change your life. Retrieved https://www.tonyrobbins.com/mind-meaning/let-go-past/

Razzetti, G. (2020). How to let go of the past. train your mind to let your experience slip. Retrieved https://www.blogger.com/u/2/blog/post/edit/4706561846235724488/6855309799999921058

Comments

Popular Posts